Thursday, 11 October 2012

Mga Bahagi ng Pananalita

Source: l.answers.com › Wiki Answers - Translate this page 


"MGA BAHAGI NG PANANALITA"


bahagi ng pananalita Ã Mayroong walong bahagi ng pananalita sa Filipino. Ang ito ay pangngalan, pangatnig, panghalip, pang-ukol,pandiwa, pang-angkop, pang-uri at pang-abay.
1) Pangngalan Ã ay mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ito ay ginamit sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, lugar at pangyayari.
Halimbawa:




A· Bogart ang panagalan ng aso nila.
· Si Angelina ang pinakamabait sa lahat.
· Sa SM Bacoor ay maraming tao.
· Bagong Taon ang gusto ko sa lahat.
· Ang lapis na hawak mo ay sa kanya.










2.) Pangatnig Ã ay ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap.
Halimbawa:
· Magkaisa kayo upang umunlad ang bansa natin.
· Mahal ka niya dahil mabait at maganda ka.
· Nagalit siya sa iyo gawa ng siniraan mo siya.
· Mag-aral ka ng mabuti upang tumaas ang iyong marka.
· Lumapit ka para marinig mo.




3) Panghalip Ã ay ginagamit sa pagpapalit o paghalili sa pangngalan.
· Ako ang mamumuno sa bayan na ito.
· Tayo ay magtulungan.
· Siya ang astig sa lahat.
· Sa kanya ko binigay an gang aking bag.
· Sa atin mapupunta ang kagalingan ng bayani.



4) Pang-ukol Ã ay ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos.
Halimbawa:
· Bumili siya ng libro para kay Carlo.
· Ipinasa niya lahat ang kanyang marka liban sa Math.
· Sumama siya kahit labag sa kanya.
· Nagpaliwanag siya tungkol sa paksa.
· Nakatanggap ako ng regalo mula sa iyo.



5) Pandiwa Ã bahagi ng pananalita na nagsasad ng kilos.
Halimbawa:
· Sumasayaw ng low ang mga bata.
· Kumakanta si Dexter ng fall for you.
· Lumalangoy siya sa dagat.
· Umaarte siya na parang artista.
· Tumatakbo siya ng mabilis.




6) Pang-angkop Ã bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap.
Halimbawa:
· Magandang bata si Elena.
· Masipag na estudyante si Melvin.
· Si Allan ay mahinahong makipag-usap.
· Marangal na pag-uugali ang meron kay Marvin.
· Butihing anak si Jason.


.
:
· Mayabang si Chris Michael.
· Malago ang puno.
· Matangkad ang mga manlalaro ng basketball.
· Mataba si Jen.
· Mabait na bata si Angelu.

8) Pang-abay Ã naglalarawan kung paano ginawa ang kilos o pandiwa o naglalarawan din ng kapwa pang-abay.
Halimbawa:
· Mabilis tumakbo si Lydia de Vega.
· Ang buong mag-anak ay nagsimba kahapon.
· Maliligo kami sa ilog.
· Sampung magagandang dalaga ang kalahok sa paligsahan.
Tunay na mapagkakatiwalaan ang kaibigan ko.
















No comments:

Post a Comment